Gusto mo bang magkaroon ng discount sa LAHAT ng bibilihin mo? Imposible? 

Mag sama-sama tayong consumers. Mga negosyante mismo ang lalapit sa atin. 

Basta may sistema tayo at disiplinado, sigurado maraming negosyo ang tutulong sa atin.

Be a Member

Basic Member – Ito ang mga miyembrong walang minimum order at walang bayad ang pagsali dito. Magkakaroon sila ng diskwento na at least 5% sa mga produkto at 10% naman sa mga serbisyong i-aavail nila.

Subcription Member – Ito ang mga miyembrong merong minimum order bawat buwan na kailangang bilihin. Meron itong Subscription Fee pero magkakaroon sila ng mas mataas na product at service discount.

Reseller Member – Ito naman ay ang mga miyembrong magiging tiga pagbenta ng mga produkto at serbisyo ng mga partners naming mga negosyo. Meron din itong Reseller Fee dahil mas mataas ang diskwentong makukuha nila na pwede nilang pagkunan ng extra income. Meron din itong sales target na kailangang maabot.

Refer a Friend

Isang minutong referral kapalit ng limang taong passive income. Kami ay may referral reward na ang tawag ay GIVEBACK. Dito, 2% ng lahat ng bibilihin ng irerefer mo ay mapupunta sa iyong online wallet sa loob ng limang taon. Pwedeng umabot ng hanggang P6,000 o higit pa ang isang referral. Tiga Mandaluyong lang ang pwede nyong irefer. Priority nating irefer ang mga namamalengke at pamilyadong indibidwal.

May sample computation sa baba kung bakit pwedeng umabot ng P6,000 o higit pa ang isang referral. Kahit dalawang referrals lang ay malaking tulong na para mapalawak natin ang ating mga koneksyon. Kung kaya mong mag refer ng 100 na kakilala mo ay pwede kang makaipon ng P600,000 sa patas na paraan. Slowly but surely dahil bawat linggo ay siguradong may giveback ka dahil siguradong bibili ang isang pamilyadong tao sa palengke.

Raffle Draw

Ang bawat member ay magkakaroon ng isang raffle point sa bawat P1,000 nyang mabibili. Maari itong gamitin para magkaroon ng chance na manalo ng P100,000. Merong total na P150,000 ang unang raffle draw at mananatili itong open hanggang hindi napupuno. Pwede rin kayong bumili ng one raffle point sa halagang 10 Konek Coins. Sa baba ay ang iba pang pwede mong mapanalunan sa raffle draw.

Be a Partner

Sa panahon ngayon ay nagkakanya kanyang diskarte ang mga negosyo. Nagiging pababaan ng presyo ang labanan kaya nasisira ang supply and demand. Ang aming shared network na sistema ay ang pag share ng mga suki nyo para makakuha kayo ng mas maraming suki. Halimbawa, sa isang lugar ay merong tig sasampung suki ang 5 negosyante na nagbebenta ng baboy at manok, may-ari ng bakery, may ari- ng general merchandise store, may-ari ng pharmacy, may-ari ng barbershop at may-ari ng cellphone repair shop. Iba iba ng produkto, iba iba ng suki. May kanya kanyang kakumpetensya pero hindi konektado. Pwede nyong maging suki ang suki ng mga co-partners nyo sa ganung paraan instead na tig sasampung suki kayo ay magkakaroon kayo ng tig 50 na suki bawat isa. Gamit ang aming website ay kaya naming i-organize ang mga members namin para sa mga negosyo nyo lang sila bibili kapalit ng loyalty nila ay bibigyan nyo sila ng maayos na discount.

Naghahanap kami ng mga negosyanteng magpapaubaya mag adjust ng  5-20% kapalit ng loyalty ng mga magiging suki niyo. Kung meron kayong kakompetensya na dalawa o higit pa at gusto nyong sa inyo mag focus ang mga customers ay matutulungan namin kayo gamit ang aming sistema. Walang bayad ang pagsali dahil kukunin namin ang kita namin sa discount na ibibigay ninyo.

Kailangan namin ng limang Types ng Partners

Merchant Partners– Ito ang mga negosyanteng may pwesto sa palengke tulad ng gulay, karne, isda, prutas at iba pa. Sa dami ng kalaban nyo magiging advantage ang pagsali sa amin dahil siguradong sa inyo bibili ang mga members namin. Kahit ilan pa kalaban nyong nagbebenta ng parehong produkto sa inyo ay sa inyo lang bibili ang mga members namin dahil sa sistemang gamit natin. Kayo ang magiging exclusive partner namin sa isang palengke example ay nagbebenta kayo ng gulay ay hindi kami pwedeng kumuha ng ibang gulay na partner hanggat hindi pa kayo napapagod magsupply sa mga members namin. Para siguradong focus lang sa inyo ang lahat ng members. Bago palang sila umalis ng bahay ay sigurado kang sa inyo lang sila bibili kahit sampu pa ang kakompetensya nyo.

City Partners – Ito ang mga negosyanteng ang pwesto ay nasa labas ng palengke. Kahit ilan pa kalaban nyong nagbebenta ng parehong produkto sa inyo ay sa inyo lang bibili ang mga members namin dahil sa sistemang gamit natin. Kayo ang magiging exclusive partner namin sa isang lugar example ay nag-aayos  kayo ng cellphone at ang pwesto nyo ay sa Marketplace Kalentong or Crossing Parklea hindi kami pwedeng kumuha ng iba pang partner hanggat hindi pa kayo napupuno ang schedule nyo sa amin. Siguradong focus lang sa inyo ang lahat ng members kahit 10 pa kalaban nyong nag aayos ng cellphone.

Central Partners – Ito naman ay ang mga negosyong may pwesto sa mga sentrong lugar tulad ng Banawe para sa Kotse, 10th Ave para sa motor, Gilmore para sa PC, Taytay para sa textile, Baclaran, Divisoria, Quiapo at kung saan pang pwede pumunta ang mga members at kung saan malakas ang kompetisyon. Kung meron kaming 20,000 members sa buong Metro Manila ay siguradong pag napadpad sila sa inyong lugar ay dun sila dederetso sa pwesto nyo.

Professional Partners – Ito naman ay ang mga lisensyadong mga professionals tulad ng Lawyers, Architect, Doctors at Engineers. 

Skilled Partners – Ito naman ay ang mga manggagawa tulad ng Karpentero, Pintor, Mason, at iba pa.

Contact Us

Ang aming opisina ay sa 4th Flr Julio Antonio ll Bldg., 315 Maysilo Circle Mandaluyong City 1550, sa taas ng BDO Bank sa gilid lang ng Mandaluyong City Hall at kami ay under ng IEN Business Consultancy.