Ang continue option ay lalabas pagkatapos ng 45 segundo. Pakibasa ang mensahe habang naghihintay.

LAYUNIN

Layunin ng String Society Ph na maghanap ng mga negosyo at ikonek ang mga miyembro para magkaroon ng diskwento at mapagkakakitaan.
DISKWENTO

Ang bawat miyembro ay makakakuha ng at least 5% depende sa mapag-uusapan ng mga kasosyo nating negosyo. Sa ngayon ay sa palengke palang ang ating mga kasosyo dahil nandito ang mga pangunahing pangangailangan. 

PALENGKE

Kung namamalengke ka ng P5,000 bawat buwan ay makakatipid ka ng P250 bawat buwan. Maliit ito, pero kung iipunin mo sa isang taon ay makakaipon ka ng P3,000 . Maaari na itong gamitin sa iba pang mas mahalagang gastusin.

SERBISYO

Meron tayong kasosyong may-ari ng aircon service. Kaya niyang magbigay ng hanggang 10-15% discount sa cleaning service at iba pang aircon concern.

Sample cleaning fee

Window type – P550 sa market P600

Split type sa bahay – P900 sa market is P1000

Split type sa condo P1100 sa market is P1200.

Maliit na diskwento lang pero pwede nyo itong idagdag sa ipon.

RESELLING

Meron tayong may-ari ng pagawaan ng sublimated jersey na kayang ibigay ng P700 per set kesa sa normal na price na P900.

Lahat ng aming koneksyon at mabubuo pang koneksyon ay magiging inyo rin.

Unti-unti ay papalakihin natin ang ating koneksyon base sa pangangailangan ng ating mga miyembro. 

Uunahin natin buuin ang mga bagay na NEEDS natin bago ang mga WANTS.

FREE MEMBERSHIP

Libre nyo itong makukuha. Kailangan lang nating sumunod sa mga alituntunin ng ating grupo lalo na ang pagrerefer at intindihin kung paano gumagana ang ating sistema.

HINDI PARA SA LAHAT

500 members lang muna bawat palengke ang pwedeng sumali. Pag naabot natin ang 2500 na members ay saka tayo hahanap pa ng mga negosyanteng handang supplyan ang ating mga pangangailangan. Tulad ng LPG at kung ano pa mang businesses ang pwedeng magbigay ng mas mababang presyo sa retail para kumita ang mga gustong magreselling.